Resipi ng Escabeche
![Image](https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjgX0as0NWLMUAIZSDHRb3RYNILiarJUpHVekVPeNk-LGEBnu1VHdMwqCUCOn5w0pcJyRBF9eQLvDHxKPFVuHi1GqLZ2NsRcQOmUKCGhu5mbaABcyW5AFPrTTQCzoxXWjr4-YIz-D04eGMF/w334-h335/IMG_20210417_153032.jpg)
Paano ba magluto ng Escabeche? Escabeche ay isa sa mga sikat na ulam dito sa Pilipinas na inihahanda ng mga Pilipino sa tuwing mayroong okasyon. Sa ingles, ito ay tinatawag na “sweet and sour fish”. Madali lamang lutuin ang Escabeche dahil ang dalawang pangunahing hakbang sa pagluluto ng Escabeche ay ang pagprito ng isda at ang pagluto ng sarsa na ibubuhos sa isda. Mga sangkap sa pagluluto ng Escabeche Ang mga sumusunod ay ang mga sangkap na kakailanganin sa pagluluto ng Escabeche. Tilapia na may bigat na 1500 gramo 3 kutsarang asukal ⅓ tasa ng suka 1 kutsarang gawgaw na natunaw sa ½ tasa ng tubig ½ tasa ng pulang atsal na hiniwa sa mga piraso ½ tasa ng berdeng atsal na hiniwa sa mga piraso ½ tasa ng karot na hiniwa sa mga piraso ¼ tasa ng luya na hiniwa sa mga piraso 1 sibuyas na hiniwa 3 butil ng bawang na tinadtad ½ tasa ng mantika para sa pagprito 1 kutsarang mantika 1 kutsarita ng asin para pampalasa sa isda Asin at paminta...