Resipi ng Escabeche

Paano ba magluto ng Escabeche?



        Escabeche ay isa sa mga sikat na ulam dito sa Pilipinas na inihahanda ng mga Pilipino sa tuwing mayroong okasyon. Sa ingles, ito ay tinatawag na “sweet and sour fish”. Madali lamang lutuin ang Escabeche dahil ang dalawang pangunahing hakbang sa pagluluto ng Escabeche ay ang pagprito ng isda at ang pagluto ng sarsa na ibubuhos sa isda. 


Mga sangkap sa pagluluto ng Escabeche

Ang mga sumusunod ay ang mga sangkap na kakailanganin sa pagluluto ng Escabeche.

  • Tilapia na may bigat na 1500 gramo 
  • 3 kutsarang asukal
  • ⅓ tasa ng suka
  • 1 kutsarang gawgaw na natunaw sa ½ tasa ng tubig
  • ½ tasa ng pulang atsal na hiniwa sa mga piraso
  • ½ tasa ng berdeng atsal na hiniwa sa mga piraso
  • ½ tasa ng karot na hiniwa sa mga piraso
  • ¼ tasa ng luya na hiniwa sa mga piraso
  • 1 sibuyas na hiniwa
  • 3 butil ng bawang na tinadtad
  • ½ tasa ng mantika para sa pagprito
  • 1 kutsarang mantika
  • 1 kutsarita ng asin para pampalasa sa isda
  • Asin at paminta 

Pagkatapos maihanda lahat ng mga sangkap na nabanggit sa itaas, pwede nang simulan ang pagluluto ng Escabeche.


Mga hakbang sa pagluluto ng Escabeche

Ang mga sumusunod ay ang pagkakasunod-sunod ng mga hakbang sa pagluluto ng Escabeche.

A. Pagprito ng isda

  1. Timplahin ang Tilapia gamit ang asin.
  2. Painitin ang ½ tasa ng mantika sa kawaling pangprito.
  3. Sa sandaling ang mantika ay mainit na, iprito ang Tilapia sa kawali hanggang sa ang kulay nito ay maging ginintuang kayumanggi.
  4. Kapag luto na ang isda, kunin ito mula sa kawali at ilagay sa plato.

B. Pagluto ng sarsa

  1. Sa isang kasirola, igisa ang mga tinadtad na bawang, mga hiniwang luya, at ang mga hiniwang sibuyas sa isang kutsarang mantika.
  2. Idagdag ang mga hiniwang karot at ang mga hiniwang pula at berdeng atsal.
  3. Ibuhos ang suka at ang natunaw na gawgaw at idagdag ang asukal.
  4. Idagdag ang asin at paminta.
  5. Hayaang kumulo ang sarsa hanggang sa ito ay lumapot habang paminsan-minsan itong haluin.

C. Panghuling hakbang

  1. Ibuhos ang sarsa sa pritong Tilapia. 

        Maisasakatuparan ang magandang resulta ng pagluluto ng Escabeche kapag ang mga sangkap at ang mga hakbang sa pagluluto ng Escabeche na nabanggit sa itaas ay nasunod nang tama at maayos. 

·         

Comments